Kung tutuusin napaka-aga pa... lampas alas otso pa lang ng umaga... Ngunit hanggang ulo na ang nararamdaman, halo halo... frustration, inis, lungkot, disappointment, kasama ng kagustuhang magapi un, ung pagpipilit na maging masaya, maging positive, nandun ung gusto ko na lang sumigaw at sabihin at totohaning, a'balakayodyan!!! Sabagay, naiisip ko rin na maaring bakas pa rin ito ng mga nakaraang araw...
Naloloka na ako sa mundo ko... gusto kong tumakas, umalis at kalimutan ang lahat. kung pwede lang. pero alam ko naman na hindi, pero sana lang.. sana lang magkaroon ng pagkakataon na tunay na mabago ang lahat. Hindi ko na alam talaga kung anong dapat gawin. Malapit na malapit na talaga akong bumigay. Siguro kung mahina hina lang ako, wala na, nagpatiwakal na siguro ako. Naniniwala pa rin akong hindi ako papabayaan ng Diyos, na nakatingin lang siya, pinapalakas ako. Sinusubok marahil. Tinuturuan.
Maraming bagay na umiikot sa aking isipan, maraming gustong subukan gawin, pero hindi ko alam kung saan o paano magsisimula pero alam kong dapat kong i-ayos ang sarili ko kung gusto kong abutin ang mga gusto kong maabot. Naghahanap ng maganda sa buhay ko, pero pag nakikita ko ang mga bagay na hindi ko gusto, na hindi tama para sa akin, nawawala ako sa focus, nawawala sa gusto kong gawin at ang umiikot na lang sa isip ko ay inis o galit. sinusubukan kong wag pairalin un, pero nahihirapan ako. siguro kasi sa personality ko, na kailangan kong mailabas ang opinyon ko, na madali akong tamaan emotionally, na I'm an emotional person, nahihirapan ako. gusto kong mabago un para hindi na lang maapektuhan ng mga bagay na nakikita ko at pinapangarap na hindi un ang nangyayari.
Siguro one of these days, elaborate ko ang buhay ko. para mas maintindihan kung saan ako nang-ga-galing, pero sa ngayon, magulo ang utak ko, kailangan ko lang mailabas, kakatapos lang ng mugto ng mata ko sa pagiyak kahapon, ayoko na munang umiyak ulit, pero I'm on the verge, pray for me. Help me get through this day.
Narealize ko na ngayong umaraw, although not totally in sync, I tried to start my day with a prayer, but in the middle of the morning, I still allowed my emotions to rule. Whew! Ang hirap talaga... Ha ha ha!
Minsan si taning ang galing din eh ano... alam na alam niya kung saan ka titirahin and tulad ngayon, I let that guy trap me into my emotions.. I know I shouldn't, that I should learn to practice self control. It's a challenge I know I have to win over, if I really want to become happy and content. And I will, I know I will. God guides me always.
Each day is a struggle to win and I don't always. Pero alam ko naman na marami ring araw na ako ang panalo. So yun na lang ang iisipin ko, that I start to allow myself those small victories. Dwell on that and not on the failures. I know one day, I will find myself smiling for real, smiling from the heart with a real joy that is felt from the heart.